Photo Set

OMG  I’m so kilig for them ~

Quote

"Sa totoong buhay, hindi malinaw ang simula, gitna at wakas ng lahat. Gawa-gawa lang ng tao ang pagbuo ng timeline ng buhay kaya dinala rin ito sa pagkukwento.Pero kung tutuusin, para sa kin, ang simula at gitna ng buhay o kwento ay nakadepende sa tumitingin at kung san sya nakaposisyon. Teka, bakit kailangang may simula, gitna at wakas? Napakapredictable naman ata ng buhay kung ikakahon sa formula na gawa-gawa ulit ng tao."

- Eros Atalia (It’s Not That Complicated: Bakit Hindi Pa Sasakupin Ng Mga Alien Ang Daigdig Sa 2012)

(via ken-arcadio-tan)

Source: monologue-ni-sisa.tumblr.com]
Photo

sapul. haha :D

Photo

Oh Hillary.. you got a point there ~

Source: leilockheart
Photo
Text

DISCLAIMER : THIS IS NOT MINE. I JUST WANNA SHARE THE STORY THAT REALLY TOUCHES MY INNER PART.

Bakit pag Tagalog, ang panget pakinggan, pero pag English, ok naman? Dapat lalagay ko “minsan may isang hooker”. kaso baka di magets yung point ko kaya ung tagalog na lang - “puta”. pero pag may nagreact, ah ano, di mura yan ah. pokpok yan. ok?

Minsan may Isang Puta 

Tingin ng mga bobong kapitbahay ko, puta daw ako. Nagpapagamit, binabayaran. Sabi nila, ako daw ang pinakamaganda at pinakasikat sa aming lugar noon. Di ko nga alam kung sumpa ito, dahil dito naletse ang kinabukasan ko.

Tara, makinig ka muna sa kwento ko, yosi muna tayo.

Alam mo, maraming lumapit sa akin. Nagkagusto at naakit. Ang hirap pag lahat sa iyo, virgin eh. Tinanggap ko naman silang tao, bakit kaya nila ako ginago? Hindi ko maintindihan ang mga nangyari sa akin. Bukas palad ko naman silang pinakitunguhan, ni hindi ko nga itinuring na iba. Iniisip ko na nga lang na kasi di sila taga rito kaya siguro talagang ganoon.

Tatlong malilibog na foreigners ang nagpyesta sa katawan ko. Sabi nila na-rape daw ako.

Sa tatlong beses akong nagahasa, ang pinakahuli ang di ko makakalimutan.

Parang maski di ko ginusto ang mga nangyari, hinahanap-hanap ko siya. Kasi, ibang-iba ang hagod niya. Umiikot ang mundo ko sa tuwing ginagamit niya ako. May mga pagkakaton na nasusuka na ko sa mga nangyayari sa aming dalawa. Parang ‘pag humahalinghing siya, nararamdaman ko na nalalason ako.. Gusto ko mang umayaw, hindi ko makuhang humindi. Hindi ko din alam kung bakit. Ibang klase din kasi siya mag-sorry eh, lalo pa at inalagaan niya ako at ang mga naging anak ko.

Alam mo, parating ang dami naming regalo – may chocolates, yosi at ano ka! May datung pa! Nakakabaliw siya! Alam kong ginagamit niya lang ako pero pagamit naman ako nang pagamit. Sa kanya namin natutunan mag-inggles, di lang magsulat ha! Magbasa pa!

Nung kinasama ko siya, guminhawa buhay namin. Sosyal na sosyal kami! Ewan ko nga ba, akala ko napapamahal na ako sa kanya. Akala ko tuloy-tuloy na kaligayahan namin, yun pala unti-unti niya akong pinapatay.

Punyetang buhay! Sa dami ng lason na sinaksak niya sa katawan ko, muntik na akong malaspag. Ang daming nagsabi na ang tanga tanga ko. Palayasin ko na daw. Taon ang binilang bago ako natauhang makining sa payo. Iniisip ko kasi na parang di ko kakayanin na mawala siya sa akin… Sa amin! .

Sa tulong ng ilan sa mga anak ko, napalayas ko ang demonyo pero ang hirap magsimula. Hindi nga ako sigurado kung nabunutan ako ng tinik o nadagdagan pa. Masyado na kasi kaming nasanay sa sarap ng buhay na naranasan namin sa kanya, kaya eto nabaon kami sa utang. Lubog na lubog kami sa pagkakautang, kulang yata pati kaluluwa namin para ibayad sa mga inutang namin.

Nakakahiya man aminin pero hanggang ngayon, sa tuwing mabigat ang problema ko, siya ang tinatakbuhan ko. ‘Yun nga lang, kapit sa patalim sabi nga nila. Para akong isang aso na nangagat ng amo, na bumabahag ang buntot at umaamo kapag nangangailangan.

Usap-usapan ako ng mga kapitbahay ko. May nanghihinayang, namumuhi at naaawa. Puta na kasi ang isang magandang katulad ko. Ang dating hinahangaan at humahalina ay nabibili sa murang halaga. Alam mo maski ganun ang mga nangyari sa akin, nilakasan ko pa rin ang loob ko. Kailangan makita ng mga anak ko, na masasandalan nila ako maski ano pang mangyari.

Maski ano pa ang sabihin ng iba, sinisikap namin na maging maganda ang buhay namin. Nag-aambisyon kami at nangangarap. Ayun, may mga anak ako na nasa Japan, Hong Kong, Saudi. Yung iba nag-US, Canada, Europe. ‘Yung iba ayaw umalis sa akin. Halos lahat, wala naman silbi. Masaya daw sa piling ko, maski amoy pusali ako.

Sa dami ng mga anak ko na nagsisikap na tulungan ang kalagayan namin, siya din ang dami ng mga anak ko na nanamantala sa kabuhayan at kayaman na itinatabi ko para sa punyetang kinabukasan naming lahat. Eto na nga ang panahon na halos di na kami makaahon sa hirap ng buhay. Napakahirap dahil nasanay na kami sa ginhawa at sarap.

Alam mo, gusto ko na sanang tumigil sa pagpuputa kaso ang laki talaga ng letseng utang ko eh. Palaki pa ng palaki! Paano na lang ang mga anak kong naiwan sa aking puder? At paano na lang ang mga anak kong nasa abroad? Baka di na nila ako balikan o bisitahin man lang? Hindi na importante kung laspagin man ang ganda ko, madama lang ng mga anak ko ang pagmamahal ko. Malaman nila na ibibigay ko ang lahat para sa kanila.

Sa tuwing titingin ako sa salamin, alam ko maganda pa rin ako. Meron pa din ang bilib sa akin. Napapag-usapan pa din. Sa tuwing nakikita ko ang mukha ko sa salamin, nakikita ko ang mga anak ko. Tutulo na lang ang mga luha ko ng di ko namamalayan. Ang gagaling nga ng mga anak ko eh, namamayagpag kahit saan sila pumunta. Mahusay sa kahit anong gawain. Tama man o mali.

Sa dami ng mga anak ko, iilan lang ang may malasakit sa akin. May malasakit man, nahihilaw pa.

Mabigat dalahin para sa akin, ang katotohanan na ni minsan ay di kami naging isang pamilya. Halos lahat ng mga anak ko, galit sa isa’t isa. IIlan ang gusto magtulungan, naghihilahan pa. Madalas kong itinatanong sa sarili ko kung naging masama ba akong nanay para magturingan ng ganito ang mga anak ko?

Kanino bang similya ng demonyo nanggaling ang mga anak kong maituturing mong may mga pinag-aralan pero nakakadama ng saya at sarap sa paghihirap ng kapatid nila? Di ko lubos maisip kung saan impiyerno nanggaling ang kasikiman ng ilan sa mga anak kong ito. Sila pa naman ang inaasahan kong magbabangon sa amin. Nakakabaliw isipin na natitiis nila ang kalagayan ng kanilang mga kapatid na halos mamatay sa hirap ng buhay. Parang di sila magkakapatid sa tindi ng pagkaganid at walang pagmamalasakit.

Ang di ko akalain ay mismong mga anak ko, ang tuluyang sisira sa akin. Kinapital ang laspag na ganda ko. Masaya sila sa mga nabibili nila mula sa pinagputahan ko. Buong angas nilang pinagyayabang ang mga pansamantalang yaman at ang kanilang hilaw na pagkatao sa mga makakakita at makikinig. Talaga bang nakakalula ang materyal na kayamanan at mga titulong ikinakabit sa pangalan? Hindi ko maintindihan.

Minsan sa pagtingin ko sa salamin, ni hindi ko na nga kilala sarili ko.

Dadating na naman ang pasko, sana maalala naman ako ng mga anak ko. Ilang linggo pa, magbabagong taon na. Natatakot ako sa taong darating. Ngayon pa lang usap-usapan na ang susunod na pangbubugaw sa akin. Gagamitin pa nila ang kahinaan ng mga kapatid nilang alipin sa kalam ng tiyan. Sa tagal ng panahong ganito ang sitwasyon namin parang eto lang ang sulok na gagalawan ko. Sana may magtanggol naman sa akin. Ipaglaban naman nila ako. Gusto kong isigaw: “Ina ninyo ako! Pagmamahal nyo lang ang kailangan ko!”

Sensya na, ang haba na ng drama ko. Masisira na ang make up ko nito eh. Salamat ha, pinakinggan mo ako. Malaking bagay sa akin na nakausap kita. Ang tagal nating nag-usap, di man lang ako nagpapakilala.

Ay sorry, di ko nasabi pangalan ko.

Pilipinas nga pala.

Photo
HAM EUN JUNG ~ KIM SOO HYUN
adorable… yes. but I’m heartbroken :(

HAM EUN JUNG ~ KIM SOO HYUN

adorable… yes. but I’m heartbroken :(

Text

Lotto at Friday the Thirteenth.

Anong konek?

Malas ba talaga ang Friday the thirteenth?

Kaka-alas tres lang.

Madaling araw.

Biyernes na naman.

A-trese.

Sabi nila malas daw pag ganitong Friday the Thirteenth.

Never akong naniwala sa mga ganyang paniniwala.

Siguro kasi never ko pang naranasan na malasin tuwing Friday the Thirteenth.

Okay, wide awake ako ngayon.

Di pa ko nakakatulog ulit.

Nagising ako ng 12am, kahit di ko gusto.

At heto ako ngayon, puro Facebook lang.

Ping.

Me nag-pm.

“oi”, nakasulat dito.

Name ng nag-pm, “ANONYMOUS”.

Sino to?

Kasalanan ko to eh.

Hilig ko kasi mag-add ng di ko kilala.

Hmm.

“Sino ka?” sagot ko.

…ping.

“taya mo to sa lotto 6/55 mamaya

6-13-23-36-41-55

Balatuan mo ko ha”

Lotto?

“ha?” sagot ko.

ANONYMOUS is now offline.

Lotto?

Nagbukas ako ng Google, out of curiosity.

Chineck ko magkano jackpot mamayang gabi.

Ang lumabas…

A staggering P655 MILLION!

Joke time kang hinayupak ka.

Bibigyan ba naman ako ng numero ng lotto?

Obviously, prank lang yan.

Pero ewan ko ba, something tells me “bakit di ko i-try?”

Wala naman mawawala di ba?

After that, di na talaga ako nakatulog.

8:06 AM.

Mag-isa na ko dito sa bahay.

Nakaalis na ang lahat.

Bat kasi ang tagal ng pasukan ko! Tsk.

Burong-buro na ko sa bahay.

11:13 AM.

Busy pa rin sa Facebook.

Mag-12 hours na kong online.

Hmm.

1:36 PM.

Wala na kong makalikot.

Nag-edit na ko sa Photoshop.

Bagal na ng PC ko.

Umuungol na.

Pagod na pagod na siguro.

1:41 PM.

Lotto?

1:55 PM.

Lotto?

2:06 PM.

Lotto.

Tagal ko pinag-isipan yan.

LOG-OUT.

2:13 PM.

Nakapila sa Lotto betting station.

Takte ang haba ng pila!

Kuha ng card.

Taya.

2:23 PM.

Eto na.

Nabayaran ko na ung taya ko.

P20.

2:36 PM.

Lakad pauwi.

2:41 PM.

Sa tapat ng bahay.

….

Dukot sa bag.

Nasan na susi ko?

Teka dito lang yun..

….

WHA T THE?

San nanggaling tong putik na to?

Me putik yung susi,

…..

No, buong bulsa ko puro putik.

No, BUONG SHORTS ko me putik!

Anak ng putik!

2:55 PM.

Sa banyo.

Ligo-ligo-ligo.

3:06 PM.

Tapos na maligo.

Let’s see, asan na ba yung lotto ticket?

Thank God, wala naming putik sa ticket.

Takot ako baka ma-void eh.

Haha.

3:13 PM.

Anong oras ba yung draw?

Ay, 9:00 PM ata.

Kung manalo man ako,

Magkakaron na ko ng capital sa business na matagal ko ng pinag-iisipan.

Ayos, at nagplano ako ng mga bibilhin ko pag nanalo ako.

Wala pa nga ubos na agad yung pera noh?

4:23 PM.

LOG IN.

Busy ulit sa Facebook.

Sinearch ko sa Friends List ko si Anonymous.

Huh?

No results?

Bakit?

8:36 PM.

Malapit na yung draw!

Excited!

LOG OUT.

Tutok muna ako sa TV.

8:41 PM.

Huh?

Amoy sunog sa kusina.

“Ma, yung niluluto mo!”

EEEEK!

Huh?

Takbo sa kusina.

WHAT THE?

“TAWAG KAYO NG BUMBERO!”

Humahangos si Papa na may dalang balde.

Kumakalat na ang apoy sa mga cabinet ng kusina.

Bakit kasi kahoy pa ginawang wallpaper dito eh!

Takbo ako sa labas.

SUNOG! SUNOG!

“MGA KAPITBHAY! TULONG! NASUSUNOG KUSINA NAMIN!”

Marami namang kapitbahay ang tumakbo.

Me dalang mga balde.

Hmm.

8:55 PM.

Wala ng apoy.

Me dumating na bumbero, pero huli na.

Natupok ng apoy ang buong kusina namin.

Damay din ang banyo.

Malas.

9:06 PM.

Totoo ba yung Friday the Thirteenth?

Kasi patong-patong kamalasan ko ngayong araw.

Pero malamang nagkataon lang.

Di talaga ako naniniwala sa ganyang chuchu.

Anyway….

9:13 PM.

“Lester! Tumulong ka nga dito!”

Nanay ko yun. Tinatawag nag-iisa kong kapatid na si Lester.

“LESTER!”

“Diane! Tawagin mo nga kapatid mo! Nagkasunog na’t lahat-lahat di ko pa nakikita!”

Nasan ba si Lester?

Sakto tinawag ako ng kalikasan.

Hangos ako sa CR.

Inabot pa rin to ng sunog, pero no choice, eto lang nag-iisang banyo.

Pagbukas ng pinto…

“LESTER!”

Nanlaki talaga mata ko.

Nakahandusay ang kapatid ko sa sahig ng banyo.

Sunog ang braso nito. Kanan ata…o kaliwa?

“MA!!!! PA!!! SI LESTER!!”

9:23 PM.

Nasa loob kami ng ambulansya.

Buhay pa naman si Lester.

Kaso sabi ng nurse, critical daw.

10:36 PM.

Nasa OR kami.

Dinala sa operating room si Lester, pronto.

Habang nakaupo kami sa waiting area…

“Rinig mo ba balita? Me jumackpot daw sa Lotto!”

“Oh? Me nakakuha ng 600 Million jackpot?”

“Oo daw. Isa nga lang daw eh!”

Lotto?

Teka, tumaya nga pala ako sa lotto.

Dinukot ko phone ko.

Buti na lang may wi-fi sa hospital.

Google.

“Today’s Lotto Winning Numbers”

Search Results:

6…

Ayos to, me six ako.

55…

Wow ok to ah, 55 meron din ako.

41…

23…

Apat na numbers, P5,000 na to ah!

Ok na ko kahit hanggang dito na lang…

13…

Syet, P20,000 na to… isa na lang….

36.

Napa-nganga ako.

JACKPOT!

Hindi ako tumalon sa tuwa,

Ngumiti lang ako.

Yung ngiting abot hanggang puyo.

Ngumiti ako hanggang sa kaya ang muscles ko!

Facebook.

LOG IN.

“HAHA!

Sino nagsabing malas ang Friday the Thirteenth??!

In your face!”

Status, updated.

11:41 PM.

Di ako nagsasalita.

Iniisip ko maaga ako bukas para pumunta sa PCSO.

Syet, milyonaryo na ko!

WOW!

Never in my wildest dreams…

11:55 PM.

Bumukas ng pinto ng OR.

Napatayo kami.

Lumabas ang doktor.

Marahan siyang naglakad.

Sinalubong naming siya.

Huminto siya.

Maingat na tinanggal ang mask…

At saka nagbuntong-hininga.

Umiling siya.

Nag-blanko ang utak ko.

Nakita ko na lang na umiiyak na ang parents ko.

Tit-tit.

May nagtext.

ANONYMOUS.

“pag nakuha mo na premyo ko,

Balato ko ha.”

Reply.

“sino ka ba?

San mo nakuha number ko?

Pano mo nalaman ung mga winning number sa lotto?”

Tit-tit.

“Kilalang kilala mo ko. Basta balato ko, di mo pwede tanggihan…”

Balato?

Oo, malamang baka ibigay ko sa kanya kalahati ng perang napanalunan ko…

Kailangan ko na lang malaman kung sino ba siya.

Malamang kakilala ko to, jinojoke time lang ako.

11:59 PM.

Tit-tit.

“pag nakuha mo na premyo mo,

Ibalato mo na sakin…..

ANG KALULUWA MO.

Nagmamahal,

LUCIFER.”

So sinong nagsabing malas ang Friday the Thirteenth?

 -chumi23

————————————-

actually di ko lam bakit ko nasulat to.. siguro kasi desperate na ko manalo sa lotto? hahaha! pero xmpre napakaliit ng chances para manalo, unless tayaan mo lahat ng possible combinations para sure win.. hahaha! at isa pa, mas mataas probability na matamaan ako ng kidlat—2 times pa! :)))

at impernez, todo-edit pa ng picture para lang may photo.. hahaha… yan ang vain!

Source: facebook.com
Text

I think the only thing that holds me back is the memories I had with you. I don’t know how the heck will I move on from the past but one thing I’m sure of, whatever happens, you’ll always be a part of me that I will treasure forever.

Photo

the real thing.. SUNGHA JUNG! ~